Minsan, gusto mo ring piliin ka, hindi dahil sa wala nang iba (last resort), kung hindi, IKAW LANG TALAGA...
Minsan, gusto mo ring manguna, kahit papano, kahit minsan...
Minsan, gusto mo ring may maniwala sa'yo maliban sa sarili mo...
Minsan, napapagod ka ring magmahal, umintindi, magpaintindi, mangarap, maniwala...
Pero minsan lang...huwag palagiin ang minsan...
Dahil madalas, napipili ka rin, hindi mo lang napapansin at kung nalilimutan mo, karapat-dapat ka naman ding piliin...
Madalas, nangunguna ka rin, hindi mo lang nakikita pa sa ngayon...
Madalas, maraming naniniwala sa'yo, hindi ka lang makapaniwalang iyon ang totoo...
Madalas, kahit na nakakapagod at masakit ang magmahal, umintindi, magpaintindi, mangarap at maniwala, karapat-dapat naman silang gawin, ipaglaban at ipagpatuloy...
Alam mo 'yan...hindi ko na kailangang ipaalala pa sa'yo...
Pero sa ngayon...hahayaan muna kita sa mga minsan mo...
Dahil matapos kang lumuha, magiging malinaw muli ang paningin at pag-iisip mo; magiging handa ka muling harapin ang mundo...
At bukas, gaya ng kadalasan, magsasaya tayo't magpapasalamat dahil nabubuhay at buhay tayo...=D